Sa nagdaang mga araw, habang tumatagal at umiinit ang pulitika sa bansa, mas lalo akong napapaisip kung ano ang mas makakabuti sa taumbayan, pati na rin kay Pangulong Duterte at sa aking pamilya.
Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng supporters na walang tigil na nagtitiwala sa akin at kay Pangulong Duterte. Kaya gusto kong magpakatotoo sa inyong lahat at ayaw ko nang patagalin pa ang bigat ng nararamdaman ko.
Alam naman ng lahat na naging kandidato na po ako sa pagka-Bise Presidente sa loob ng mahigit isang buwan, 40 days to be exact. Subalit, dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan, kailangan ko pong magpaubaya.
Alam niyo, alam ng lahat yung aking hangaring makapagserbisyo sa ating kapwa Pilipino. Hindi na po kailangang itanong yan dahil talagang gusto ko, gusto kong makapagserbisyo sa kapwa Pilipino. Gusto kong tumulong na maging maginhawa po ang buhay ng bawat Pilipino at walang magutom.
Many times in our life, we are called upon to serve others but destiny has a way of turning things around. Just like the great Andres Bonifacio — the President who never was.
Bonifacio had every great opportunity to lead our country as our President after leading a revolutionary movement that started our quest for liberty. But destiny had something different for him.
Sa ngayon, handa po akong magsakripisyo alang-alang sa kapakanan ng ating bayan at ni Pangulong Duterte. Simpleng probinsyano lamang po ako na binigyan ng pagkakataong magsilbi sa taumbayan. Hindi ko inambisyon na maging presidente. Puro serbisyo lang po ako. Dahil ang bisyo ko po ay magserbisyo.
Hindi rin po ako pulitiko. Hindi rin po ako nanggaling sa malaki o kilalang pamilya. Hindi ako nasanay sa madumi at mainit na klase nang pulitika. Marahil po'y hanggang dito lang po muna ako sa ngayon.
Ayaw rin talaga ng aking pamilya. Kaya naisip ko na siguro nga ay hindi ko pa panahon sa ngayon. Diyos lang ang nakakaalam kung kailan talaga ang tamang panahon ko.
Ayaw ko rin pong lalong maipit si Pangulong Duterte. Higit pa po sa tatay ang pagmamahal ko sa kanya. Matanda na po siya at marami na siyang naibigay sa bayan kung kaya't ayaw ko nang dagdagan pa ang kanyang problema. Nananatili akong tapat sa kanya at nangako akong sasamahan ko po siya habang buhay . Iyon po ang ipinangako ko sa kanya noon pa man.
In the past few days po, I realized that my heart and mind are contradicting my own actions. Talagang nagreresist po ang aking katawan, puso at isipan. Tao lang po ako na nasasaktan at napapagod din.
Sa ngayon po, iyon po ang mga rason ko. That is why I am withdrawing from the race.
Having said this, I leave my fate to God and the Filipino people as I vow to do my best every day to serve selflessly and tirelessly. I am willing to make the supreme sacrifice for the good of our country, and for the sake of unity among our supporters and leaders.
Sa mga nagnanais maging Pangulo at iba pang gustong magsilbi sa bayan, sana po ay unahin niyo ang kapakanan at interes ng mga Pilipino. Handa naman kami ni Pangulong Duterte na suportahan ang sinuman na tunay na magseserbisyo, makapagpapatuloy at poprotekta sa Duterte legacy tungo sa mas komportable, ligtas at maginhawang buhay para sa ating mga anak.
Kung saan man po ako dadalhin ng aking tadhana, makakaasa po kayo na patuloy po akong tutulong, patuloy po akong magseserbisyo at patuloy po akong magmamalasakit sa aking kapwa Pilipino dahil mahal ko ang mga kababayan ko. Mahal ko po ang bansang ito.
Maraming salamat, mga minamahal kong kababayan.
No comments:
Post a Comment